Pagkaing pinoy… paborito lalo na ng mga bata. D2 matitikman ang popular na jolly crispy chicken joy, ang gusto ko hot and spicy. Kagabi sa opis eh naisipan ng aming team na umorder sa jollibee. Ang order ko?…. spaghetti at regular fries sa halagang P72. Ang aking lunch break eh 2:45am… medyo gutom na ako at kumain ng mga bandang 3:15am. Sa kasalukuyan ay kinakain ko ng paonti-onti ang manamis-namis nilang spaghetti… nomnomnom…habang ginagawa ang blog na ito. Ang french fries nman nila eh… ndi kasarapan mas gusto ko pa ung sa potato corner. Masarap na hapunan kesa sa madalas kong kainin gabi-gabi na sky flakes. :-)